Linggo, Disyembre 31, 2017

Brief Description of the Site


SAN ROQUE NATIONAL HIGH SCHOOL
Paombong, Bulacan







Historical Background

Noong Hunyo 19, 1988, pinagpasiyahan ni Kalihim Quisumbing ang kahilingan para mabuksan at masimulan ang Kapitangan – Baranggay High School o KBNH – Annex, kasama ang pagsang-ayon ng DECSRO III – Region – Tagapamanihala Bernardo M. Reyes.
          Kahit na ang mga tagapangasiwa ng Paombong High School o PHS ay sinang-ayunan din ito kasunod ng pagtalima ng mga taong nasa katungkulan upang maisakatuparan ito.
Sa unang taon ng pagbubukas at pagsisimula ng klase, ang kabuuang dami ng batang sumubok ng kanilang pag-aaral ditto ay umabot sa 98 mag-aaral. Kasamang ipinahiram ang di-ginagamit na silid-aralan ng Mababang Paaralan Central ng Paombong.
Sa pagpapatuloy ng pagbibigay ng pagkakataon sa mga mahihirap na pamilya ng Paombong, si Kongresman Francisco B. Aniag ay sumulat kay Bise-Alkalde Manuel T. Gonzales upang ipagbigay alam ang pagsisimula ng pagtatayo ng nasabing gusali na may anim na silid-aralan ng Kagawaran ng Gawain Pandaan at Pagkukumpuni.
Sa sulat ng ibinigay ni kay Directress Pahati ng PHS, si Direktor Reyes ay umaasa na darating din ang tamang pagkakaton upang mailagay sa ayos ang kasunduan sa pagitan ng KBHS-Annex at ng PHS.
Noong Enero 5, 1989, ang PHS ay naniguro ng pagsagot ng pagtulong upang maisaayos ang usapan at sinabing “Kung kinakailangang gawing ipagbili namin sa ikapagpapasiya ng KBHS-Annex ay gagawin naming”.
Ngunit hindi pa rito natapos ang usapan sa pagitan ng KBHS-Annex at PHS. Noong 1989, isang pangyayari ang lalong nakapagpabago sa takbo ng pamamalakad sa DECS. Nagkaroon ng isang kontrobersya sa pagitan ng mga matataas na opisyal. Nagkaroon ng balasahan sa tungkulin at si Kalihim Quisumbing ay napalitan ni Kalihim Isidro Carino.
Isa pang maitatalang pagbabago, noong Marso 17, 1989 isang pagpupulong ang ginanap sa Sangguniang Panlalawigan. Isang panukala ang inialok ni Konsehal Daniel Capulong upang baguhin ang pangalan ng Kapitangan Barangay High School – Annex at maging Mataas na Paaralan ng San Roque dahil sa ilang kadahilanan:
1.     Ang pondong ginagamit upang mapalakad at mapangasiwaan ito ng maayos ay galing sa bayan ng Paombong.
2.     Ang Nasyonal at ang Panlalawigang-Pamahalaan ay patuloy na susuportahan ang paaralang nabanggit kung ang pangalang gagamitin ng paaralan ay lugar ng kinatatayuan nito.
Ang panukala sa pagbabago ng pangalan ng paaralan ay walang tutol na pinagpasiyahan ng pamunuan.



 Reflection for the Site of Practice Teaching


San Roque National High School is located at San Roque Paombong, Bulacan which is near Paombong Central School. So many years passed by and I can say that there's a lot of improvement here. The school has a continuous growth and development. San Roque National High School only have 3 teachers and 98 students before but today it has a reach amount of 60 teachers and 1,500 students which are in 34 sections that is only 2 sections before. For an alumni like me, I am very proud for what San Roque National High School have today. I hope that this school which I came from can help many students to turn their dreams into reality.


Examples of Lesson Plan Used






































Reflection


              As a student teacher, I admit that making a lesson plan is not an easy task. You must think carefully what the objectives should be. At the first day of my teaching, my Cooperating Teacher asked me that all of my lesson plan should be detailed so that she can see if I can really make a good one. It was really hard for me because I'm going back home at 2:30 pm. I will also make my visuals for the next day's discussion. I'm going to school at 6:00 am so I'm running out of time. All of my lesson plans are detailed within 2 months. When I finished my Final Demonstration Teaching, my Cooperating Teacher said that the lesson plan will just be semi-detailed since I already finish my final demo.
          
         Student teacher faces many responsibilities inside and outside the school like professional teachers do. I’ve learned a lot from my experiences and I gained improvements on making a lesson plan. All of those struggles made me strong and not give up easily. In my mind and in my heart I know I can do all of the challenges in life and continue doing what I want my future life to be.

Evidences of Community Outreach







Reflection

          Community outreach is an important activity every person should embrace as they are growing up most especially in schools. It can help students to realize the importance of engaging in such activity, develop their well-being and know how to interact and socialize with others. This community outreach helped me in boosting self-confidence, self-reliance and well-being. I'm glad that I served the community and having a wonderful experience with the students outside the classroom.

Observation and Evaluation Forms

There is no observation and evaluation forms used.

Best Lesson Plan

Bulacan State University
College of Education
City of Malolos, Bulacan

        _______________________________________________________________________

MASUSING BANGHAY ARALIN
sa Araling Panlipunan VII
       _______________________________________________________________________

Kasaysayan ng Asya
Mga Dahilan na Nagbunsod sa mga Kanluranin na Magtungo sa Asya



Inihanda ni:

SUNSHINE PAHATI
Gurong Mag-aaral

Binigyang Pansin ni:

VERONICA EDNA G. SURIO
Cooperating Teacher

Sinang-ayunan ni:

TERESA GARCIA
Punong Guro

Pinagtibay ni:

LEMUEL DEL ROSARIO
Student Teaching Supervisor – Araling Panlipunan


I.                    Layunin
Sa pagtatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1.      Naiisa-isa ang mga dahilan na nagbunsod sa mga Kanluranin na magtungo sa Asya.
2.      Nakapagtatala ng mahahalagang datos sa pamamagitan ng Data Retrieval Chart, Talk Show, Train Web, Fishbone Planner, at Pagbabalita hinggil sa mga dahilan na nagbunsod sa mga Kanluranin na magtungo sa Asya.
3.      Naipahahayag ang damdamin hinggil sa pagdating ng mga Kanluranin sa Asya.

II.               Paksang Aralin

Paksa: Mga Dahilan na Nagbunsod sa mga Kanluranin na Magtungo sa Asya
Sangguniang Aklat: ASYA: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba
Pahina: 197-199

Mga Materyales:
Blackboard (Pisara)
Chalk (Yeso)
Mga tulong biswal (Visual Aids)
Mga larawan
Laptop
Projector

III.            Pamamaraan
A. Panimulang Gawain

GAWAIN NG GURO
GAWAIN NG MAG-AARAL
1.      1.   Panalangin
Magsitayo na ang lahat. Ating simulan ang umagang ito ng isang panalangin.

(Magtatalaga ng isang mag-aaral na mamumuno sa panalangin.)

2.      Pagbati
Magandang umaga, mga mag-aaral!

3.      Pagsasaayos ng Silid
Bago kayo magsi-upo, pulutin muna ang mga kalat sa paligid ng inyong mga upuan. Isilid ninyo muna ito sa inyong bag at ayusin ang mga silya.

4.      Pagtatala ng liban

May lumiban ba sa unang pangkat?

Sa ikalawang pangkat may lumiban ba?

Mabuti!

5.      Balik-aral

Noong nakaraang araw ay tinalakay natin ang mga Relihiyon sa Asya. Ano ba ang ibig sabihin ng salitang Latin na re-ligare na pinagmulan ng salitang relihiyon?

Magaling!

Aling relihiyon nga ulit ang may pinakamalaking bilang sa lahat ng mga relihiyon sa mundo?

Mahusay!


Ano naman ang tawag sa relihiyon ng mga Muslim?

Magaling!

Ano pang ibang relihiyon ang inyong mga natatandaan na ating natalakay?

Magaling!
Ano naman ang natatandaan ninyo patungkol sa Hinduismo?

Tama!

May nais pa ba kayong idagdag?

Malinaw ba ang ating naging talakayan noong nakaraang araw?

Mabuti!

(Magsisitayo ang mga mag-aaral at uumpisahan ang panalangin.)





Magandang umaga din po, Binibining Pahati








Wala po.

Wala po.






Ang ibig sabihin po nito ay pagbubuklod at pagbabalik-loob.




Kristiyanismo po.





Islam po.



Hinduismo po.


Ito po ang pangunahing relihiyon sa India.


Wala na po.

Opo.

B.     Pagganyak

GAWAIN NG GURO
GAWAIN NG MAG-AARAL
Tingnan ang mga salitang ito:
YOU + ROPE =

Anong salita kaya ang mabubuo kung pagsasamahin natin ang dalawang ito?

(Magtatawag ng mag-aaral.)

Magaling!

Ito ay ang kontinenteng Europe.
(Ituturo ang kontinente gamit ang mapa ng daigdig.)

Ngayon ay may ipapakita ako sa inyong mga larawan ng mga bansa sa Europe. Kung kayo ang tatanungin, alin sa mga bansang ito ang gusto ninyong puntahan at bakit?

(Magtatawag ng mag-aaral.)

Bakit Italy ang gusto mong puntahan?

Mahusay!

Ano pa? (Magtatawag ng mag-aaral.)



Magaling!

Ikaw, anong bansa sa Europe ang gusto mong mapuntahan at bakit?

Bakit sa Germany?





Mahusay!

Bigyan ang inyong mga sarili ng tatlong bagsak.






Europe po.












Sa Italy po.

Gusto ko pong makarating sa Italy para magtrabaho doon.


Sa Spain po. Dahil gusto ko pong mag-aral doon ng kanilang lenggwahe at maging tanyag na guro sa lenggwahe nila pagdating ng panahon.


Sa Germany po.

Pangarap ko pong marating ang bansang iyon. Gusto ko pong mag-aral doon, magkaroon ng magandang trabaho at kumita para po matulungan ko ang aking mga magulang.

C.    Paglalahad/Pagtatalakay

GAWAIN NG GURO
GAWAIN NG MAG-AARAL
Kanina ay nalaman natin ang inyong mga dahilan kung bakit nais ninyong pumunta sa mga bansa na nasa Europa na aking ipinakita. Ang ginawa natin kanina ay may kaugnayan sa ating aralin ngayon dahil ang bansang Europe ay nagkaroon ng interes na masakop ang mga bansa sa Asya.

Mula sa ating pinag- usapan, may hinuha na ba kayo kung ano ang ating tatalakayin ngayong araw?

Sa palagay ninyo, ano kaya ang ating aralin  ngayon?
(Pagtawag ng mag-aaral.)

Tama!

Atin naman ngayong aalamin ang mga dahilan na nagbunsod sa mga kanluranin na magtungo sa Asya. Ngunit bago tayo magsimula sa ating talakayan, igugrupo ko kayo sa lima. Ang bawat lider ng grupo ay pupunta dito sa harap upang bumunot ng inyong mga gagawin para sa ating aralin ngayon.

D.    Pangkatang Gawain

Magsitayo ang unang grupo. Sino ang inyong magiging lider?

Magsitayo ang pangalawang grupo at pumili ng inyong magiging lider.

Magsitayo naman ang pangatlong grupo at pumili ng inyong lider.

Pang-apat ng grupo magsitayo kayo at pumili ng inyong magiging lider.

At ang pang-limang grupo magsitayo din at pumili ng inyong lider.

Ang lahat ng lider ay pumunta dito sa harap upang bumunot ng inyong mga gagawin.

Unang Pangkat – Data Retrieval Chart

Gagawa kayo ng Data Retrieval Chart tungkol sa mga Krusada na naganap mula 1096 hanggang 1273. Itatala ninyo sa tsart ang mga datos na nakapaloob sa paksang binigay sa inyo at iuulat ninyo ito mamaya sa klase.

Pangalawang Pangkat – Talk Show

Magtatalaga kayo ng isang host at isang taong iinterbyuhin na gaganap bilang si Marco Polo. Ipakikilala ninyo kung sino si Marco Polo, kung ano ang tungkol sa kanya at ilalahad ninyo ang kanyang naging paglalakbay sa pamamagitan ng interbyu.

Pangatlong Pangkat – Train Web

Itatala ninyo sa web ang mga mahahalagang datos na nakapaloob sa Renaissance.

Ikaapat na Pangkat – Fishbone Planner

Sa Fishbone Planner, itatala ninyo sa mga tinik ng isda ang mga dahilan ng Pagbagsak ng Constantinople.

Ikalimang Pangkat - Pagbabalita

Itatalakay ninyo ang tungkol sa Merkantilismo sa pamamagitan ng pagbabalita. Isipin ninyo na kayo ay isang reporter o tagapagbalita sa telebisyon.

Naintindihan ninyo ba kung paano ninyo gagawin ang mga nabunot ninyong gawain?

Bibigyan ko kayo ng 15 minuto upang tapusin ang inyong mga gawain. Ngunit bago kayo magsimula ay narito ang mga pamantayan ninyo sa paggawa.








Opo Ma’am.



Mga Dahilan po na Nagbunsod sa mga Kanluranin na Magtungo sa Asya.




(Pupunta sa harap ang mga lider at bubunot ng kanilang mga gagawin.)








(Magsisitayo ang mga mag-aaral at magtatalaga ng lider.)

(Magsisitayo ang mga mag-aaral at magtatalaga ng lider.)

(Magsisitayo ang mga mag-aaral at magtatalaga ng lider.)

(Magsisitayo ang mga mag-aaral at magtatalaga ng lider.)

(Magsisitayo ang mga mag-aaral at magtatalaga ng lider.)

(Pupunta sa harap ang mga lider at bubunot ng kanilang gagawin.)

































Opo Ma’am.


ANALITIKONG PAMAMARAAN SA PAGGA-GRADO NG PRESENTASYON
Pamantayan
Katangi-tangi
(4)
Mahusay
(3)
Katamtaman
(2)
Nililinang
(1)
Nilalaman
Naglalaman ng sapat at wastong impormasyon.
May ilang pagkakamali sa impormasyon.
Mali ang impormasyon.
Hindi sapat at hindi wasto ang impormasyon.
Pagkamalikhain
Nagpamalas ng kakaibang husay, disenyo at istilo.
Nagpamalas ng husay, ilang disenyo at istilo.
Hindi masyadong kinakitaan ng ibang istilo.
Walang ibang disenyo at istilo.
Presentasyon
Ang ekspresyon at galaw ng katawan ay lubos na nagbigay buhay. Malinaw na nailahad ang detalye.
Ang ekspresyon at galaw ng katawan ay nagbigay buhay. Hindi gaanong nailahad ang mga detalye.
Ang ekspresyon at galaw ng katawan ay katataman lang.
Ang ekspresyon at galaw ng katawan ay hindi naipamalas. Walang nailahad na detalye.
Tinig
Lubhang nagpamalas ng kagalingan sa pagbigkas at angkop na lakas ng boses.
Nagpamalas ng kagalingan sa pagbigkas at angkop ang lakas ng boses.
Hindi gaanong nabigyang diin ang pagbigkas at katamtaman lang ang lakas boses.
Hindi malinaw ang pagbigkas at may mahinang boses.


   Puntos                                    Kahulugan
    17-20                                    Katangi-tangi
    13-16                                       Mahusay
     9-12                                      Katamtaman
     5-8                                         Nililinang

GAWAIN NG GURO
GAWAIN NG MAG-AARAL
17-20 ang inyong magiging puntos kung katangi-tangi at lubos na maayos at maganda ang inyong presentasyon.

13-16 kung maayos at maganda ang inyong presentasyon ngunit may kulang na detalye.
9-12 kung hindi na gaanong kaayos at kaganda ang inyong presentasyon at madaming kulang na detalye.

5-8 ang pinakamababa kung magulo ang presentasyon.

Naintindihan ba ang mga pamantayan sa gawain ng bawat grupo?

Kung malinaw na ang lahat, magsama-sama na ang bawat grupo at bumuo ng bilog upang maayos ninyong mapag-usapan ang inyong mga gagawin. Kuhanin ang inyong modyul at buksan sa pahina 197 upang madali ninyong magawa ang inyong mga gawain. Maaari na kayong magsimula.

(Magsisimula na ang mga mag-aaral sa kanilang gawain.)

Limang minuto na lang ang natitira.


Tapos na ba ang lahat?

Handa na ba ang bawat grupo sa presentasyon ng inyong mga ginawa?

Magaling!

Maaari ng pumunta dito sa harap ang unang grupo.

Mahusay!

Bilang dagdag, ang krusada ay labanan ng mga Kristyano at mga Turkong Muslim. Ang sagisag ng krusada ay ang krus na ginagamit ng kabalyero at nasa tapat ng dibdib kung siya ay patungo sa labanan at sa likod naman pabalik sa Europe galing sa laban.
Bigyan natin ng Good Job Clap ang unang pangkat.

Pangalawang grupo handa na ba kayo?

Kung gayon ay maaari na kayong pumunta dito sa harap para sa inyong inihandang talk show.

Magaling!

Bilang dagdag, ang kanyang paglalakbay ay umabot sa taong 1271 hanggang 1295, siya ay lulan ng isang barko na gamit niya sa loob ng dalawangput-apat na taon.

Mommy D Clap para sa pangalawang grupo.


Kasunod na grupo.



Mahusay!

Ang Renaissance ay tumutukoy sa panahon ng kasaysayan sa Europa mula ika-14 hanngang ika-16 na dantaon. Pinagyaman ng Renaissance ang kabihasnan ng daigdig. Malaki ang naitulong ng Renaissance sa pagsulong at pagkabuklod ng mga bansa tulad ng France, Spain at Portugal.

Bigyan natin ng Yes Clap ang pangatlong grupo.

Ang kasunod na grupo handa na ba?

Maaari na kayong magsimula.




Magaling!

Bigyan ng Hooray Clap ang pang-apat ng grupo.)


Atin namang tingnan ang inihandang pagbabalita ng huling grupo.


Mahusay!

Bilang dagdag, ang Merkantilismo ay sistemang pangkabuhayan na nagbibigay diin sa akumulasyon ng ginto at pilak, pagtatag ng mga kolonya at regulasyon ng kalakalang panlabas upang pakinabangan ng bansang mananakop. Naniniwala ang mga Europeo na may malaking magagawa ang ginto at pilak sa katuparan ng kanilang adhikain.

Bigyan natin ang pang-limang grupo ng Power Clap.

Naunawaan ninyo ba ang ating araling sa araw na ito?

Mabuti!

Bigyan ng tatlong bagsak ang inyong mga sarili. Ngayon ay nalaman ninyo na ang mga dahilan na nagbunsod sa mga kanluranin na magtungo sa Asya.













Opo.










Opo.

Op
o.




(Magtatanghal ang unang grupo. Ipapakita ang ginawang tsart at iuulat ang mga naitalang datos.)









G-DOUBLE O-D-J-O-B! Good job! Good job! Good job!

Opo Ma’am.

(Magtatanghal ang pangalawang grupo. Ipapakita sa pamamagitan ng talk show o interbyu ang tungkol kay Marco Polo.)







1, 2, 3! 1, 2, 3! Beri gud! Beri gud! Beri Gud!

(Magtatanghal ang pangatlong grupo. Ipapakita at tatalakayin ang mga datos na nakalap tungkol sa Renaissance.)











1, 2, 3! 1, 2 3! Yes!


Opo.

(Magtatanghal ng pang-apat na grupo. Ipapakita at ilalahad sa klase ang mga nakalap na sanhi at bunga na nasa Fishbone Planner tungkol sa paksa.)



1, 2, 3! 1, 2, 3! Hooray!



(Magtatanghal ng pang-limang grupo. Ilalahad nila ang Merkantilismo sa pamamagitan ng sariling istratehiya sa pagbabalita.)











1, 2, 3! 1, 2, 3! Power!


Opo.

E. Paglalagom
1. Bakit nagbunsod ang mga kanluraning bansa ng pagtungo sa Asya? Anu-ano ang mga naging dahilan ng mga kanluranin na magtungo sa Asya?
2. Paano tinanggap ng mga bansang Asyano ang mga naganap na pananakop?
           
F. Paglalapat
     1. Sa inyong palagay, nakabuti ba ang pagdating ng mga Kanluranin sa Asya?

IV.             Pagtataya
Panuto: Isulat ang tamang sagot sa patlang.

_____________1. Ito ay ang labanan ng mga Kristiyano at Turkong Muslim.
_____________2. Ito ang sagisag ng krusada.
_____________3. Siya ay isang Italyanong adbenturerong mangangalakal na taga-Venice.
_____________4. Ang ibig sabihin ng salitang ito ay muling pagkasilang, pag-usbong at pagkabuhay.
_____________5. Sasakyang pandagat na ginamit ni Marco Polo sa kanyang paglalakbay.
_____________6. Ito ay ang Asyanong teritoryo na pinakamalpit sa kontinente ng Europe.
_____________7. Ito ay isang kagamitang pandagat na ginagamit upang
_____________8. Ito ay sistemang pangkabuhayan na nagbibigay diin sa akumulasyon ng ginto at pilak.
_____________9. Inilimbag na aklat ni Marco Polo.
_____________10. Bansang pinasimulan ng Renaissance.

V.                Kasunduan
Takdang Aralin

Basahin at unawain ang kasunod na aralin, Paggalugad at Pagtuklas ng mga Bansang Kanluranin at sagutin ang mga sumusunod:

1. Anong mga bansa sa Asya ang mga nasakop ng mga Kanluranin?
2. Anong bansa ang sinakop ng Portugal, England at France sa Timog Asya? Sa Kanlurang Asya?
3. Bakit nagtatag ang mga bansang Kanluranin ng mga kolonya sa Asya?

Sagguniang Aklat: ASYA: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba
Pahina: 201-204


Reflection

         This is my best lesson plan I used in my Final Demonstration Teaching. I can say that this is the best among the others because I gave a lot of attention working on this lesson plan with the help of my Cooperating Teacher. This work of mine serve as an evidence that there's an improvement of myself on making a lesson plan in my four months of practicing in San Roque National High School.

Title

Republic of the Philippines Bulacan State University COLLEGE OF EDUCATION City of Malolos, Bulacan -------------------- ...