Bulacan
State University
College of Education
City of Malolos,
Bulacan
_______________________________________________________________________
MASUSING
BANGHAY ARALIN
sa
Araling Panlipunan VII
_______________________________________________________________________
Kasaysayan
ng Asya
Mga
Dahilan na Nagbunsod sa mga Kanluranin na Magtungo sa Asya
Inihanda
ni:
SUNSHINE PAHATI
Gurong Mag-aaral
Binigyang
Pansin ni:
VERONICA EDNA G. SURIO
Cooperating Teacher
Sinang-ayunan
ni:
TERESA GARCIA
Punong Guro
Pinagtibay
ni:
LEMUEL DEL ROSARIO
Student Teaching
Supervisor – Araling Panlipunan
I.
Layunin
Sa pagtatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay
inaasahang:
1. Naiisa-isa
ang mga dahilan na nagbunsod sa mga Kanluranin na magtungo sa Asya.
2. Nakapagtatala ng mahahalagang datos sa pamamagitan ng
Data Retrieval Chart, Talk Show, Train Web, Fishbone Planner, at Pagbabalita
hinggil sa mga dahilan na nagbunsod sa mga Kanluranin na magtungo sa Asya.
3. Naipahahayag
ang damdamin hinggil sa pagdating ng mga Kanluranin sa Asya.
II.
Paksang
Aralin
Paksa:
Mga Dahilan na Nagbunsod sa mga Kanluranin na Magtungo sa Asya
Sangguniang Aklat:
ASYA: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba
Pahina: 197-199
Mga
Materyales:
Blackboard (Pisara)
Chalk (Yeso)
Mga tulong
biswal (Visual Aids)
Mga larawan
Laptop
Projector
III.
Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
GAWAIN NG GURO
|
GAWAIN NG MAG-AARAL
|
1. 1. Panalangin
Magsitayo na ang lahat. Ating simulan ang umagang
ito ng isang panalangin.
(Magtatalaga ng isang mag-aaral na mamumuno sa panalangin.)
2.
Pagbati
Magandang umaga, mga mag-aaral!
3.
Pagsasaayos ng Silid
Bago kayo magsi-upo, pulutin muna ang mga kalat sa
paligid ng inyong mga upuan. Isilid ninyo muna ito sa inyong bag at ayusin
ang mga silya.
4.
Pagtatala ng liban
May lumiban ba sa unang pangkat?
Sa ikalawang pangkat may lumiban ba?
Mabuti!
5.
Balik-aral
Noong nakaraang araw ay tinalakay natin ang mga
Relihiyon sa Asya. Ano ba ang ibig sabihin ng salitang Latin na re-ligare na pinagmulan ng salitang
relihiyon?
Magaling!
Aling relihiyon nga ulit ang may pinakamalaking
bilang sa lahat ng mga relihiyon sa mundo?
Mahusay!
Ano naman ang tawag sa relihiyon ng mga Muslim?
Magaling!
Ano pang ibang relihiyon ang inyong mga natatandaan
na ating natalakay?
Magaling!
Ano naman ang natatandaan ninyo patungkol sa
Hinduismo?
Tama!
May nais pa ba kayong idagdag?
Malinaw ba ang ating naging talakayan noong
nakaraang araw?
Mabuti!
|
(Magsisitayo ang mga mag-aaral at uumpisahan ang panalangin.)
Magandang umaga din po, Binibining Pahati
Wala po.
Wala po.
Ang ibig sabihin po nito ay pagbubuklod at pagbabalik-loob.
Kristiyanismo po.
Islam po.
Hinduismo po.
Ito po ang
pangunahing relihiyon sa India.
Wala na po. Opo. |
B.
Pagganyak
GAWAIN NG GURO
|
GAWAIN NG MAG-AARAL
|
Tingnan
ang mga salitang ito:
YOU
+ ROPE =
Anong
salita kaya ang mabubuo kung pagsasamahin natin ang dalawang ito?
(Magtatawag
ng mag-aaral.)
Magaling!
Ito
ay ang kontinenteng Europe.
(Ituturo
ang kontinente gamit ang mapa ng daigdig.)
Ngayon
ay may ipapakita ako sa inyong mga larawan ng mga bansa sa Europe. Kung kayo ang tatanungin,
alin sa mga bansang ito ang gusto ninyong
puntahan at bakit?
(Magtatawag ng mag-aaral.)
Bakit Italy ang gusto mong puntahan?
Mahusay!
Ano pa? (Magtatawag ng mag-aaral.)
Magaling!
Ikaw, anong bansa sa Europe ang gusto mong
mapuntahan at bakit?
Bakit
sa Germany?
Mahusay!
Bigyan ang inyong mga sarili ng tatlong bagsak.
|
Europe po. Sa Italy po. Gusto ko pong makarating sa Italy para magtrabaho doon. Sa Spain po. Dahil gusto ko pong mag-aral doon ng kanilang lenggwahe at maging tanyag na guro sa lenggwahe nila pagdating ng panahon. Sa Germany po.
Pangarap ko pong marating
ang bansang iyon. Gusto ko pong mag-aral doon, magkaroon ng magandang trabaho
at kumita para po matulungan ko ang aking mga magulang.
|
C.
Paglalahad/Pagtatalakay
GAWAIN NG GURO
|
GAWAIN NG MAG-AARAL
|
Kanina
ay nalaman natin ang inyong mga dahilan kung bakit nais ninyong pumunta sa
mga bansa na nasa Europa
na aking ipinakita. Ang ginawa
natin kanina ay may kaugnayan sa ating aralin ngayon dahil ang bansang Europe
ay nagkaroon ng interes na masakop ang mga bansa sa Asya.
Mula sa ating pinag- usapan, may
hinuha na ba kayo kung ano
ang ating tatalakayin ngayong araw?
Sa palagay ninyo, ano kaya ang ating aralin ngayon?
(Pagtawag
ng mag-aaral.)
Tama!
Atin
naman ngayong aalamin ang mga dahilan na nagbunsod sa mga kanluranin na
magtungo sa Asya. Ngunit bago tayo
magsimula sa ating talakayan, igugrupo ko kayo
sa lima. Ang bawat lider ng grupo ay pupunta dito sa harap upang bumunot ng
inyong mga gagawin para sa ating aralin ngayon.
D. Pangkatang Gawain
Magsitayo
ang unang grupo. Sino ang inyong magiging lider?
Magsitayo
ang pangalawang grupo at pumili ng inyong magiging lider.
Magsitayo
naman ang pangatlong grupo at pumili ng inyong lider.
Pang-apat
ng grupo magsitayo kayo at pumili ng inyong magiging lider.
At
ang pang-limang grupo magsitayo din at pumili ng inyong lider.
Ang
lahat ng lider ay pumunta dito sa harap upang bumunot ng inyong mga gagawin.
Unang Pangkat – Data
Retrieval Chart
Gagawa
kayo ng Data Retrieval Chart tungkol sa mga Krusada na naganap mula 1096
hanggang 1273. Itatala ninyo sa tsart ang mga datos na nakapaloob sa paksang
binigay sa inyo at iuulat ninyo ito mamaya sa klase.
Pangalawang Pangkat –
Talk Show
Magtatalaga
kayo ng isang host at isang taong iinterbyuhin
na gaganap bilang si Marco Polo. Ipakikilala ninyo kung sino si Marco Polo,
kung ano ang tungkol sa kanya at ilalahad ninyo ang kanyang naging
paglalakbay sa pamamagitan ng interbyu.
Pangatlong Pangkat –
Train Web
Itatala
ninyo sa web ang mga mahahalagang datos na nakapaloob sa Renaissance.
Ikaapat na Pangkat –
Fishbone Planner
Sa
Fishbone Planner, itatala ninyo sa mga tinik ng isda ang mga dahilan ng Pagbagsak
ng Constantinople.
Ikalimang Pangkat -
Pagbabalita
Itatalakay
ninyo ang tungkol sa Merkantilismo sa pamamagitan ng pagbabalita. Isipin
ninyo na kayo ay isang reporter o tagapagbalita sa telebisyon.
Naintindihan
ninyo ba kung paano ninyo gagawin ang mga nabunot ninyong gawain?
Bibigyan
ko kayo ng 15 minuto upang tapusin ang inyong mga gawain. Ngunit bago kayo
magsimula ay narito ang mga pamantayan ninyo sa paggawa.
|
Opo Ma’am. Mga Dahilan po na Nagbunsod sa mga Kanluranin na Magtungo sa Asya. (Pupunta sa harap ang mga lider at bubunot ng kanilang mga gagawin.) (Magsisitayo ang mga mag-aaral at magtatalaga ng lider.) (Magsisitayo ang mga mag-aaral at magtatalaga ng lider.) (Magsisitayo ang mga mag-aaral at magtatalaga ng lider.) (Magsisitayo ang mga mag-aaral at magtatalaga ng lider.) (Magsisitayo ang mga mag-aaral at magtatalaga ng lider.) (Pupunta sa harap ang mga lider at bubunot ng kanilang gagawin.) Opo Ma’am. |
ANALITIKONG
PAMAMARAAN SA PAGGA-GRADO NG PRESENTASYON
|
||||
Pamantayan
|
Katangi-tangi
(4)
|
Mahusay
(3)
|
Katamtaman
(2)
|
Nililinang
(1)
|
Nilalaman
|
Naglalaman ng sapat at
wastong impormasyon.
|
May ilang pagkakamali sa
impormasyon.
|
Mali ang impormasyon.
|
Hindi sapat at hindi wasto
ang impormasyon.
|
Pagkamalikhain
|
Nagpamalas ng kakaibang husay, disenyo at istilo.
|
Nagpamalas ng husay, ilang
disenyo at istilo.
|
Hindi masyadong kinakitaan ng ibang istilo.
|
Walang ibang disenyo at
istilo.
|
Presentasyon
|
Ang ekspresyon at galaw ng
katawan ay lubos na nagbigay buhay. Malinaw na nailahad ang detalye.
|
Ang ekspresyon at galaw ng
katawan ay nagbigay buhay. Hindi gaanong nailahad ang mga detalye.
|
Ang ekspresyon at galaw ng
katawan ay katataman lang.
|
Ang ekspresyon at galaw ng
katawan ay hindi naipamalas. Walang nailahad na detalye.
|
Tinig
|
Lubhang nagpamalas ng kagalingan sa pagbigkas at
angkop na lakas ng boses.
|
Nagpamalas ng kagalingan
sa pagbigkas at angkop ang lakas ng boses.
|
Hindi gaanong nabigyang diin ang pagbigkas at
katamtaman lang ang lakas boses.
|
Hindi malinaw ang
pagbigkas at may mahinang boses.
|
Puntos Kahulugan
17-20
Katangi-tangi
13-16 Mahusay
9-12
Katamtaman
5-8 Nililinang
GAWAIN NG GURO
|
GAWAIN NG MAG-AARAL
|
17-20
ang inyong magiging puntos kung katangi-tangi at lubos na maayos at maganda
ang inyong presentasyon.
13-16
kung maayos at maganda ang inyong presentasyon ngunit may kulang na detalye.
9-12
kung hindi na gaanong kaayos at kaganda ang inyong presentasyon at madaming
kulang na detalye.
5-8
ang pinakamababa kung magulo ang presentasyon.
Naintindihan
ba ang mga pamantayan sa gawain ng bawat grupo?
Kung
malinaw na ang lahat, magsama-sama na ang bawat grupo at bumuo ng bilog upang
maayos ninyong mapag-usapan ang inyong mga gagawin. Kuhanin ang inyong modyul
at buksan sa pahina 197 upang madali ninyong magawa ang inyong mga gawain. Maaari
na kayong magsimula.
(Magsisimula
na ang mga mag-aaral sa kanilang gawain.)
Limang
minuto na lang ang natitira.
Tapos
na ba ang lahat?
Handa
na ba ang bawat grupo sa presentasyon ng inyong mga ginawa?
Magaling!
Maaari
ng pumunta dito sa harap ang unang grupo.
Mahusay!
Bilang dagdag, ang krusada ay
labanan ng mga Kristyano at mga Turkong Muslim. Ang sagisag ng krusada ay ang
krus na ginagamit ng kabalyero at nasa tapat ng dibdib kung siya ay patungo
sa labanan at sa likod naman pabalik sa Europe galing sa laban.
Bigyan
natin ng Good Job Clap ang unang pangkat.
Pangalawang grupo handa na ba kayo?
Kung gayon ay maaari na kayong pumunta dito sa harap
para sa inyong inihandang talk show.
Magaling!
Bilang dagdag, ang kanyang paglalakbay ay umabot sa
taong 1271 hanggang 1295, siya ay lulan ng
isang barko na gamit niya sa loob ng dalawangput-apat na taon.
Mommy D Clap para sa pangalawang grupo.
Kasunod na grupo.
Mahusay!
Ang Renaissance ay tumutukoy sa
panahon ng kasaysayan sa Europa mula ika-14 hanngang ika-16 na dantaon. Pinagyaman
ng Renaissance ang kabihasnan ng daigdig. Malaki ang naitulong ng Renaissance
sa pagsulong at pagkabuklod ng mga bansa tulad ng France, Spain at Portugal.
Bigyan
natin ng Yes Clap ang pangatlong grupo.
Ang kasunod na grupo handa na ba?
Maaari na kayong magsimula.
Magaling!
Bigyan ng Hooray Clap ang pang-apat ng grupo.)
Atin namang tingnan ang inihandang pagbabalita ng
huling grupo.
Mahusay!
Bilang
dagdag, ang Merkantilismo ay sistemang pangkabuhayan na nagbibigay diin sa
akumulasyon ng ginto at pilak, pagtatag ng mga kolonya at regulasyon ng
kalakalang panlabas upang pakinabangan ng bansang mananakop. Naniniwala ang
mga Europeo na may malaking magagawa ang ginto at pilak sa katuparan ng
kanilang adhikain.
Bigyan
natin ang pang-limang grupo ng Power Clap.
Naunawaan
ninyo ba ang ating araling sa araw na ito?
Mabuti!
Bigyan ng tatlong bagsak ang inyong mga sarili.
Ngayon ay nalaman ninyo na ang mga dahilan na nagbunsod sa mga kanluranin na
magtungo sa Asya.
|
Opo. Opo. Opo. (Magtatanghal ang unang grupo. Ipapakita ang ginawang tsart at iuulat ang mga naitalang datos.) G-DOUBLE O-D-J-O-B! Good job! Good job! Good job!
Opo Ma’am.
(Magtatanghal ang pangalawang grupo. Ipapakita sa pamamagitan ng talk
show o interbyu ang tungkol kay Marco Polo.)
1, 2, 3! 1, 2, 3! Beri gud! Beri gud! Beri Gud!
(Magtatanghal ang pangatlong grupo. Ipapakita at tatalakayin ang mga
datos na nakalap tungkol sa Renaissance.)
1, 2, 3! 1, 2 3! Yes!
Opo.
(Magtatanghal ng pang-apat na grupo. Ipapakita at ilalahad sa klase
ang mga nakalap na sanhi at bunga na nasa Fishbone Planner tungkol sa paksa.)
1, 2, 3! 1, 2,
3! Hooray!
(Magtatanghal ng pang-limang grupo. Ilalahad nila ang Merkantilismo sa
pamamagitan ng sariling istratehiya sa pagbabalita.)
1, 2, 3! 1, 2,
3! Power!
Opo.
|
E.
Paglalagom
1. Bakit nagbunsod ang mga kanluraning bansa ng pagtungo
sa Asya? Anu-ano ang mga naging dahilan ng mga kanluranin na magtungo sa Asya?
2. Paano
tinanggap ng mga bansang Asyano ang mga naganap na pananakop?
F.
Paglalapat
1. Sa
inyong palagay, nakabuti ba ang pagdating ng mga Kanluranin sa Asya?
IV.
Pagtataya
Panuto: Isulat
ang tamang sagot sa patlang.
_____________1. Ito ay ang
labanan ng mga Kristiyano at Turkong Muslim.
_____________2. Ito ang
sagisag ng krusada.
_____________3. Siya ay
isang Italyanong adbenturerong mangangalakal na taga-Venice.
_____________4. Ang ibig
sabihin ng salitang ito ay muling pagkasilang, pag-usbong at pagkabuhay.
_____________5. Sasakyang
pandagat na ginamit ni Marco Polo sa kanyang paglalakbay.
_____________6. Ito ay ang
Asyanong teritoryo na pinakamalpit sa kontinente ng Europe.
_____________7. Ito ay isang
kagamitang pandagat na ginagamit upang
_____________8. Ito ay
sistemang pangkabuhayan na nagbibigay diin sa akumulasyon ng ginto at pilak.
_____________9. Inilimbag na
aklat ni Marco Polo.
_____________10. Bansang
pinasimulan ng Renaissance.
V.
Kasunduan
Takdang Aralin
Basahin at unawain ang kasunod na aralin, Paggalugad
at Pagtuklas ng mga Bansang Kanluranin at sagutin ang mga sumusunod:
1. Anong mga bansa sa Asya ang mga nasakop ng mga
Kanluranin?
2. Anong bansa ang sinakop ng Portugal, England at
France sa Timog Asya? Sa Kanlurang Asya?
Sagguniang Aklat: ASYA:
Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba
Pahina: 201-204
Reflection
This is my best lesson plan I used in my Final Demonstration Teaching. I can say that this is the best among the others because I gave a lot of attention working on this lesson plan with the help of my Cooperating Teacher. This work of mine serve as an evidence that there's an improvement of myself on making a lesson plan in my four months of practicing in San Roque National High School.
Nice lesson plan... tnx for posting it's really of great help..
TumugonBurahin